Sabado, Setyembre 17, 2011

PINOY CRAB MENTALITY

Pinoy Crab Mentality! Madalas natin naririnig ang salitang ito na ini-uugnay sa Pinoy. Kahit saang lugar o institusyon tulad ng opisina, tahanan, simbahan, gobyerno o pamahalaan ay mayroon nito. Ayon sa history ang crab mentality ay nag simula pa sa Kastila, isa itong kaugalian na mana pa ng mga Filipino sa Kastila, isang kaugalian na hindi kaaya aya dahil isa itong pangit na kaugalian ng ilang mga Filipino, paninirang puri, pag gawa ng kwento sa kapwa, at inggit sa mga na kakaangat na kababayan.

Halimbawa:
Ang crab o alimangu pag nilagay mo sa timba ay nag uunahan 
makapunta sa bunganga ng timba, ngunit sa pag punta nga nila sa malapit na sa bunganga nito ay hinahatak naman ng ibang alimangu ang ilan para hindi makalabas sa timba.

Ang totoo...maging sa panahon ng mga unang tao sa Bibliya ay 
meron ng Crab Mentality at ito ay mababasa sa aklat ng Genesis 37-50, ang kwento sa buhay ni Joseph at ng kaniyang mga kapatid. Dahil sa kanilang matinding pagka inggit sa mga katangian ni Joseph na kinalugdan ng kanilang ama. Siya ay pinag-tangkaang patayin ng sariling mga kapatid. Ngunit, sa halip ay ipinagbili na lamang sa mga mangangalakal patungo sa Ehipto. Ang Crab Mentality ay hindi lamang sa Pinoy kungdi sa lahat ng tao nangyayari sa dahilang ang tao ay makasalanan.(Romans 3:23).  Kahit saan ka magpunta ay meron talagang crab mentality, meron mga tao na hindi ka magugustuhan at gagawan ka ng kuwento para makapanira sa iyong kredibilidad. Hindi ito nakapag-tataka, dahil maging ang Panginoong Hesus ay walang nagawang pagkakasala ay ipinapatay pa nga sa krus ng mga Romano..tayo pa kaya na tao lamang.
Ako man ay dumanas rin ng maraming pagkakataon na ako ay siniraan at ginawan ng kuwento, maging sa aking pinapasukang opisina. Ngunit ang madalas kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin, kung paano ko ito nilampasan ay simple lang. Meron kasi akong Panginoon sa buhay ko at maayos ang relasyon namin ewan ko lang sa iba? At sinasabi ko sa kanila na tuwing meron gagawa ng paninira laban sa kanila. Ito lamang ang kanilang maging pamantayan: Una, Alamin ano ang kanyang motibo?(bakit ka niya sinisiraan sa ibang tao) Pangalawa, Ano ang katotohanan sa kanyang mga sinasabi laban sa'yo?(alamin muna ang katotohanan, mag-imbestiga, walang dapat papanigan) Ikatlo, Meron bang integridad ang naninira sa'yo? (Anong uring buhay meron ba siya?Meron ba siyang karapatan magsabi ng pangit laban sa'yo? Kung ang sarili niyang buhay ay mabaho pa sa pinaka masangsang na imburnal). Ito ang aking mga batayan kung bakit di ako apektado sa mga taong nanininira sa akin. Dahil sa tatlong prinsipyong ito, na aking ipupukol na katanungan sa kanila na mapanira.

Simula't sapul ako ang tao na hindi career oriented bagkus ako ay RESULT ORIENTED! Ano ang pinag-kaiba: ang Career Oriented, ito ang mga tao na may ambisyon na umakyat sa "ladder" or  "promotion". Isang malaking achievement para sa kanila ang promotion, not just power but sometimes "ego trip". Kung kaya't madami ang nag-aagawan sa posisyon maka-akyat at madalas kinakailangang maka panira ng iba para umangat sa posisyon o " crab mentality". Ngunit...ang RESULT ORIENTED this people don't want to climb the ladder, they wanted to own the ladder. Ang kanilang mindset ay hindi employment kungdi "opportunity or owning a business of their own".  Kung kaya di ako masyado attracted sa mataas na posisyon. "If I will invest my full talent and brains, I will use it to my own fields."  
Madami sa mga Bilyonario ngayon ay hindi nakatapos ng Kolehiyo, ang ilan nga ay Hayskul lamang. Ilan sa mga pamosong bilyonaryong ito ay sina: Bill Gates(Microsoft Inc)a college dropout; Halle Berry(Actress)never went to college; Manny Pacquiao(Boxer)never went to college; Henry Ford(Ford Motors)never graduated high school; Steven Spielberg(Dreamworks)a college dropout at madami pang iba. Ngunit, ano ang inyong mapapansin na kanilang "common denominator" kung bakit sila ay umangat sa buhay? Ang sagot: SILA AY HINDI NAGTRABAHO! Ha! Ano?!#*$^ paano nangyari iyon? Ito ang aking paliwanag diyan, imbes na ubusin nila ang panahon nila kung paano makapanira ng tao"crab mentality" upang umunlad ang kanilang buhay. Kanilang pinagyaman ang kanilang "talent" o "talino"upang paghusayan pa ito upang magamit nila sa pag-unlad ng buhay. At ito ang kanilang mga gustong gawin sa buhay "passion" ika nga. Kung gusto mong huwag ng mag hanap-buhay sa buong buhay mo...ay gawin mo ang isang bagay na pinaka gustong gusto mo o may "passion" ka dito. Sa gayon, ito ay hindi magiging hanap-buhay para sa'yo kungdi isang libangan o passion mo na lamang na ginagawa at masaya ka habang ginagawa mo ito. Pero hindi mo namamalayan na kumikita ka pala habang ginagawa mo ang bagay na pinaka gusto mong gawin sa buhay. 

Sana nga ay wala ng crab mentality...sa lahat ng sangay ng lipunan upang makamit ng bansang Pilipinas ang pag-unlad. Ako ay naniniwala, hangga't merong "crab mentality" sa pinaka maliit hanggang pinaka malaking sangay ng lipunan. Hindi uunlad ang lipunan kailanman...lalo na sa isang opisina. Kaya ako ay nagtatanong madalas? Bakit merong crab mentality sa opisina? Alam naman nila na kahit mag-tumbling sila ng ilang libong beses ay hindi naman mapapa sa kanila ang kumpanya? Hindi naman agad-agad tataas ang suweldo at posisyon nila? At kahit na tumaas man ang puwesto nila, ito ba ay garantiya na uunlad ang buhay nila? Tandaan, ikaw ay para lang magsasaka na hindi mo pag-aari ang lupa na iyong sinasaka. Sa inyo na ang mataas na posisyon...akin na ang magandang resulta. Ito ang aking panalangin," Ama, nawa sa aking opisinang pina pasukan pagka-isahin mo ang lahat, makaroon ng tunay na pagmamahalan sa bawat isa, alisin mo po ang inggit at poot sa puso ng bawat isa. Nang sa gayon, mas lalo pa po kaming umunlad hindi lamang sa aming kumpanya kundi sa aming mga kanya-kanyang pamilya."Amen.- Usapang Barbero

1 komento: